Wednesday, January 26, 2011

Manikang de Susi

malinaw pa ang aking mga mata
nakikita ko ang kanilang ginagawa
matalas pa ang aking mga tenga
naririnig ko ang bawat yabag nila


alam ko ano ang tama
batid kong akoy mali
hindi ko naranasang magwagi
akoy ipinanganak ng sawi

alam ko kung ano ang gusto ko
gusto kong maging malaya
ngunit sa kulungang di mawasak
akoy hindi nakawala

kung anong gusto nila
ay siya ring kapalaran ko
kung wala sila, wala ako sa mundo

sa aking tigang na balat
ang hangi'y dumadampi
wala na akong magawa
ako'y manikang de susi

No comments: